OLONGAPO CITY — Pormal nang binuksan ang Pag-Usbong: I-Pilipino Art Festival noong Pebrero 23 sa Ground Level ng SM City Olongapo Central, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng sining at kulturang Pilipino sa komunidad.
Binuksan ito sa pamamagitan ng ribbon-cutting na pinangunahan nila Dr Bien Espinosa and Mrs. Lucy Vegafria-Espinosa (Rotary Club), Ms. Nancy Vegafria, Dr. Arnold L. Vegafria (Chairman & President of ALV Group of Companies/Advocate), Monette Fartiguera Cruz (I- Pilipino Founder), Dr. Macky Alonzo MD, Ms. Cara Mia Jaya (Independent writer) at maikling programa kung saan binigyang-diin ng mga tagapagsalita ang kahalagahan ng sining bilang daluyan ng pagkakaisa, identidad, at malikhaing pagpapahayag ng lahing Pilipino.
Tampok sa nasabing festival ang iba’t ibang aktibidad tulad ng performances, art exhibit, live sketching at painting, at workshops na naglalayong hikayatin ang partisipasyon ng mga lokal na artista, kabataan, at mahilig sa sining.
Ang pagdaraos ng Pag-Usbong ay inaasahang magsisilbing plataporma upang maipakita ang talento ng mga Pilipino at mapalakas ang pagpapahalaga sa makulay na kultura at sining ng bansa. Ayon sa mga organizer, bukas ang festival sa publiko at inaanyayahan ang lahat na makilahok at suportahan ang mga gawaing nagtataguyod sa malikhaing industriya ng rehiyon. (MITCH C. SANTOS)


Leave a comment