TAGAYTAY CITY—Nakakuha ng Bronze medal ang grade 9 student ng Gordon Heights High School (GHNHS), Olongapo City na si Jaydee “Bibi” Prado Pancho sa nilahukang Criterium race event-(Women Youth) 14 to 15-year old category sa ginaganap na 2026 Road National Championship sa Tagaytay City.
Si Pancho ay anak ng kilalang siklistang si Jermyn Prado, isang SEA Games gold medalist.

Ipinagbunyi ng GHNHS ang tagumpay ni Pancho na kaagad na nag-anunsyo ng pagbati rito sa kanilang social media page.
📸 GHNHS fb


Leave a comment