San Marcelino, Zambales — Nagwagi bilang Overall Champion ang Linasin Elementary School sa ginanap na 2026 Singkamas Festival Drum & Lyre Competition kaninang araw sa bayan ng San Marcelino.

Ipinamalas ng Linasin Elementary School ang kahusayan, disiplina, at kahanga-hangang pagtatanghal na humigit sa inaasahan ng mga hurado at manonood, dahilan upang maiuwi nila ang Championship Title mula sa kabuuang 10 paaralan na lumahok mula sa iba’t ibang panig ng San Marcelino.
Bukod sa overall championship, nagkamit din ang paaralan ng mga special awards tulad ng Best in Table Lyrist at 3rd Place, Best Baton Leader – Lady Dwyne E. Juliano
Samantala, Second Place ang nakuha ng Laoag Integrated School, habang Third Place naman ang Rabanes Elementary School.
Bilang gantimpala, nakatanggap ang mga nagwagi ng kabuuang premyo na Php 135,000, bilang pagkilala sa kanilang husay at dedikasyon sa musika at sining.
Ang grupong nagkampeon ay siyang magrerepresenta sa Munisipalidad ng San Marcelino sa paparating na Dinamulag Festival 2026 na gaganapin sa Abril, kung saan inaasahang muling ipapakita ang kanilang talento sa mas malaking entablado.
Ang Drum & Lyre Competition ay isa sa mga pangunahing tampok ng 2026 Singkamas Festival, na patuloy na nagbibigay-diin sa talento ng kabataan, pagkakaisa ng komunidad, at mayamang kultura ng San Marcelino.
Ulan ni Marti Dumaguing


Leave a comment