SUBIC BAY FREEPORT — Idinaos ng Subic-Olongapo Cancer Foundation Inc. (SOCFI) ang kanilang Thanksgiving and Golf Tournament Kick-off Party umaga nitong Sabado, ng Pebrero 14 2026, bilang paghahanda sa nalalapit na 2026 SOCFI Tee Off for Hope Golf Tournament.
Nagsimula ang programa sa rehistrasyon at pagdating ng mga panauhin, na sinundan ng isang Thanksgiving Mass na pinangunahan ni Fr. Noel Montes. Matapos nito ay nagsalo ang mga dumalo sa buffet lunch.
Nagbigay ng welcome remarks si Dr. Socorro Acosta, habang inihatid naman ni Dr. Jim Rojo ang maikling mensahe sa mga kalahok. Isinagawa rin ang paggawad ng mga plake at sertipiko na pinangunahan nina Dr. Rojo at Dr. Acosta bilang pagkilala sa mga katuwang at tagasuporta.
Ipinakilala ni Arch. Jasmin Salas ang 2026 SOCFI Tee Off for Hope Golf Tournament, na inaasahang magbibigay ng tulong at suporta sa mga layuning pang-komunidad ng organisasyon.
Nagbigay ng pangwakas na pananalita si Judith Talens, sinundan ng anunsyo ng mga susunod na hakbang at isang photo opportunity para sa lahat ng dumalo.
Layunin ng naturang pagtitipon na pagtibayin ang samahan ng mga miyembro at opisyal ng SOCFI, habang pinapalakas ang suporta para sa kanilang mga proyektong pangkawanggawa. (Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)


Leave a comment