PAMPANGA– Nadiskubre ng lokal na pamahalaan ng Mexico ang isang umano’y ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa isang warehouse sa Barangay San Jose Malino, kung saan nakita sa inspeksyon ang mga makinarya, raw materials, at kahon ng sigarilyo sa loob ng pasilidad.
Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Joint Inspection Team sa ilalim ni Mayor Ruding Santos Gonzales na ayon sa mga awtoridad, wala umanong kaukulang business permit mula sa Office of the Mayor at barangay permit ang nasabing warehouse para makapag-operate.

Tumambad sa mga awtoridad ang mga makinaryang may Chinese characters at mga hinihinalang raw materials sa paggawa ng sigarilyo.
Iginiit ng pamahalaang bayan ang anila’y “zero tolerance” laban sa mga ilegal na negosyo upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komunidad.


Leave a comment