Pampanga — Isinagawa ng Police Regional Office 3 (PRO 3) ang PRO 3 Media Summit na may temang “Crisis Communication in the Digital World: Protecting Truth, Pursuing Transparency, and Promoting Professionalism” sa Camp Captain Julian Olivas Multi-Purpose Hall, nitong Miyerkules, Pebrero 4, sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Dinaluhan ang pagtitipon ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), mga media practitioner, at digital content creators mula sa iba’t ibang panig ng Central Luzon bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng midya.
Naging keynote si PMGen Roderick Augustus B. Alba, Director for Police Community Relations, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng malinaw, maagap, at makabuluhang komunikasyon sa panahon ng krisis, lalo na sa digital na espasyo.
Sa bahagi ng Lecture Proper, inilahad ni PLTCOL Dexter C. Versola, Acting Chief ng RPSMDD at Regional Public Information Officer ng PRO 3, ang pangkalahatang layunin ng PRO 3 Media Summit at ang papel nito sa pagpapalakas ng koordinasyon ng PNP at media sector.
Tinalakay ni Prof. Rejane C. Torrecampo ang paksang “Journalism vs Social Media as a Critical Tool in Communication: Ethics, Responsibility and Accountability,” kung saan kanyang binigyang-diin ang etika, pananagutan, at responsibilidad ng parehong tradisyunal at digital media sa pagbabalita.
Ibinahagi naman ni Carlo Lorenzo J. Datu ang “Understanding Crisis and Issues Management at the Strategic, Operational and Tactical Level,” na nakatuon sa wastong pamamahala ng mga isyu at krisis sa iba’t ibang antas ng organisasyon.
Samantala, tinalakay ni PLtCol Rodel G. Trumata ang “Challenges and Strategies on How to Handle PNP Media and Social Media Content Creators in the Digital Age,” kung saan binigyang-linaw ang mga hamon at estratehiya sa pakikipag-ugnayan ng PNP sa media at content creators.
Sa pagpapatuloy ng mga lektura, ibinahagi ni PCOL Rodolfo D. Castro, Jr. ang “Counterintelligence Perspective in Crisis Communication: Management Models, Procedures, and Best Practices,” na nagbigay-diin sa kahalagahan ng maingat na impormasyon at tamang proseso sa panahon ng krisis.
Tinalakay naman ni Tonette T. Orejas ang “Bridging the Gap: Media Challenges in the PNP,” kung saan kanyang binigyang-pansin ang mga hamon sa ugnayan ng media at kapulisan at ang pangangailangan ng mas bukas at malinaw na komunikasyon.
Samantala, ipinaliwanag ni PCol Obil S. Dahap, Jr. ang “Legal Challenges, Policies and Directives in Police-Community Affairs and Development,” na nakatuon sa mga legal na aspeto at patakaran sa police-community relations.
Isinagawa rin ang open forum at question-and-answer portion upang mabigyang-linaw ang mga isyung inilahad ng mga tagapagsalita.
Pinangunahan ang closing ceremony ni PBGen Ponce Rogelio I. Peñones, Jr., Regional Director ng PRO 3, kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng kalahok at tagapagsalita at muling iginiit ang pangako ng PRO 3 sa pagtataguyod ng katotohanan, transparency, at propesyonalismo. Pinangunahan din niya ang pamamahagi ng Certificates of Participation, katuwang ang Command Group ng PRO 3.
Ang programa ay pinangasiwaan ni PCpl Kenneth C. Licay, na nagsilbing Master of Ceremony. (Ulat ni MITCH C. SANTOS)


Leave a comment