ZAMBALES—Pinasinayaan at pormal nang binuksan sa publiko ang parke at monumento sa dalampasigan rito alinsabay sa ika-81th anibersaryo ng makasaysayang Bloodless Landing sa Barangay La Paz, San Narciso, ngayong Huwebes, Enero 29, 2026.
Ang Bloodless Landing Park and Monument ay bilang paggunita at patuloy na pangangalaga sa makasaysayang alala ng diwa ng katapangan, at pagkakaisa ng mga gerilyang taga-La Paz noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Unveiling, Blessing, at Turnover program ay dinaluhan nina Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr, kasama si San Narciso Mayor La Rainne Abad-Sarmiento at Bise-Alkalde Lance Ritual at iba pang opisyales ng munisipalidad

Dumalo din sa okasyon sina Philippine Navy RAdm Karl A. Decapia ng Naval Education Training and Command, gayundin ang La Paz Sangguniang Barangay sa pamumuno ni Barangay Chairman Bienvenido Paz Jr.
Lumahok din sa programa ang mga kinatawan ng Veterans Federation of the Philippines – 2nd District Zambales, VFP – Sons and Daughters Association Inc., VFP – Zambales Retired Army Association, Inc. at Philippine Navy Coast Guard Retirees Association.
📸 Zambales for the People


Leave a comment