ZAMBALES–Ipinanukala sa Sangguniang Bayan ang “Anti-Epal Ordinance of San Marcelino” kung saan ipagbabawal ang paglalagay ng pangalan, larawan ng mga opisyal ng gobyerno sa mga proyektong pinondohan ng bayan, pasilidad, sasakyan, at iba pang pampublikong ari-arian
Ang nasabing panukalang ordinansa ay inihain ng may akda na si Sanggunian Bayan Member Darrel Labio noong nakalipas na linggo sa committee meeting na dinaluhan nina Vice Mayor Christopher Gongora kasama ang mga konsehal na sina. Engr. Jay Peralta, Jose Gutierrez, Jr., Dr. Earl Yap, Alex Beltran, at ABC President Maureen Arquero.
Ani ng may akda, layunin ng panukala na panatilihin ang integridad ng mga proyekto ng bayan at tiyaking ang pondo ng taumbayan ay nasa tama at patas na paggamit. Nakapaloob din dito ang mga kaukulang parusa para sa sinumang lalabag.
Napahayag naman ng pagsuporta si San Marcelino Mayor Elvis Soria sa naturang panukalang ordinansa na. aniya, binibigyang-diin nito ang prinsipyo ng transparency at accountability na patuloy na isinusulong ng kanilang munisipalidad na kilala bilang sentro ng mabuting pamamahala.
📸 San Marcelino Public Information Office


Leave a comment