Olongapo City — Isinagawa ang isang pormal na Turnover Ceremony para sa pamamahagi ng mga learning tablets sa Old Cabalan Integrated School bilang bahagi ng layunin na mapalakas ang makabagong sistema ng edukasyon sa lungsod.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Schools Division Office of Olongapo City sa pakikipagtulungan ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, na siyang nagkaloob ng mga kagamitang pang-edukasyon. Layunin ng proyektong ito na matulungan ang mga mag-aaral at guro sa mas episyente at makabagong paraan ng pagkatuto, lalo na sa paggamit ng teknolohiya sa loob ng silid-aralan.
Dumalo sa seremonya ang mga kinatawan mula sa sektor ng edukasyon, mga opisyal ng paaralan, at mga katuwang na institusyon.
Sa isinagawang programa, binigyang-diin ang kahalagahan ng digital learning bilang mahalagang hakbang sa paghahanda ng mga mag-aaral sa makabagong panahon.
Inaasahang makatutulong ang mga ipinagkaloob na learning tablets sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at sa pagbibigay ng mas malawak na access sa kaalaman para sa mga mag-aaral.
Ang naturang turnover ceremony ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at mga pribadong organisasyon upang maisulong ang inklusibo at dekalidad na edukasyon sa Olongapo City.Lalo na sa mga estudyanteng hirap sa pagbabasa.
“We’re hoping the technology may enhance reading, this is more like the pilot projects. If this improve readings of the students then this connect doors for many students in the Philippines. And I’m hoping that children engage especially with technology and because of that, hopefully, it will enhance their reading through that.” ani ni Sister Webb, ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (Ulat para sa Ang Pahayagan / NI:MITCH C. SANTOS, larawan mula kay KIA)


Leave a comment