ZAMBALES–Isinagawa ngayong araw ng Biyernes, Enero 23 ang Naming Ceremony at Turnover ng dalawang (2) Fishing Vessels, ang FV Zambales III at FV Zambales IV sa Sitio Balintabog, Brgy. Amungan, Iba, Zambales.
Ang naturang okasyon ay pinangunahan ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. at ng mga opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan bilang pagpapakita ng suporta sa sektor ng pangisdaan,

Layunin ng programa na higit pang palakasin at suportahan ang mga samahan ng mangingisda sa ialim ng Zambales Provincial Fisherfolks Association sa pangunguna ni Paulo Quitaneg- President, katuwang ang Zambales Maritime Development Council.
Dumalo din ang mga opisyal ng Barangay Amungan at si Marilyn Ong, CEO ng Stoneworks Shipbuilder, ang kumpanyang gumawa ng dalawang fishing vessels.
📸 Zambales for the People


Leave a comment