Ang Pahayagan

Kadiwa Store, Inilunsad ng DA Gapo

OLONGAPO CITY — Pormal na inilunsad ang Kadiwa store sa Rizal Triangle Park dito bilang bahagi ng programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maghatid ng abot-kayang bilihin sa mamamayan at direktang suporta sa mga lokal na magsasaka.

Pinangunahan ng Department of Agriculture – Olongapo (DA Gapo) ang aktibidad na nagtatampok ng walong (8) stalls na nagbebenta ng sariwa at de-kalidad na gulay na direktang inani mula sa mga farmer association sa loob mismo ng Olongapo City.

Ayon sa DA Gapo, layunin ng Kadiwa store na mapalapit ang produkto ng mga magsasaka sa mga konsyumer, habang inaalis ang mga middleman upang mapanatiling mababa ang presyo ng pangunahing bilihin.

Ang Kadiwa store ay isinagawa simula noong Huwebes at nagtapos araw ng Biyernes,Enero 16. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)

Leave a comment