Ang Pahayagan

Pinag-ibayong kampanya sa maingay at illegally modified na mga muffler ng motor

Inumpisahan na ng Philippine National Police (PNP) ang isang pambansang kampanya upang sugpuin ang mga motorsiklong may open pipes and illegally modified mufflers, na naglalayong itaguyod ang disiplina sa kalsada at bawasan ang noise pollution.

Sa direktiba para sa PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at sa mga Police Regional Offices (PROs), iniutos ni PNP Acting Chief, Police Lieutenant General Jose Melencio C Nartatez Jr. ang mahigpit na ipatutupad ang mga batas sa kalsada kabilang na ang mga local ordinances laban sa mga illegal vehicle modifications.

“We are looking at a broader and more coordinated implementation across the country. Ang layunin po natin ay hindi manghuli agad. We want to encourage compliance and help riders understand that vehicle modifications are regulated by law,” saad ni Nartatez.

“We view open pipes not just as a traffic issue but as a public safety and public order concern. Ang sobrang ingay ay nakakaistorbo sa komunidad lalo na sa residential areas, hospitals, at schools,” wika pa nito.

“We understand the sentiments of motorcycle riders. Hindi po ito anti-rider policy. Ang gusto lang po natin ay safe, legal, at responsible riding,” pagdidiin pa ni Nartatez.

SBMA nagpatupad din ng paghihigpit sa maingay na sasakyan sa Subic Freeport zone

Nagpatupad din ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ng mas mahigpit na regulasyon laban sa maingay na sasakyan, partikular ang mga motorsiklong may binagong tambutso.

Ang nasabing paghihigpit ay alinsunod umano sa itinatakda sa Ecology Center Advisory 2025-026 na ipatupad ang Noise Control Regulations ng ahensiya, na nakabatay sa Presidential Decree 984, National Pollution Control Commission (NPCC) Memorandum Circular No. 002, Series of 1980.

Ayon sa LED Directive No. 01-001 na inilabas ni SBMA Law Enforcement Department Officer-in-Charge Rene D. Alinea Jr., mahigpit na ipagbabawal ng Port Sentinel Branch ang pagpasok sa Freeport ng mga motorsiklong walang muffler silencer sa lahat ng sentry points.

Sinimulan ang implementasyon ng derektiba noong Enero 5, 2026, kung saan inatasan din ang Traffic Branch na manghuli at mag-isyu ng Traffic Citation Ticket (TCT) sa mga motoristang lalabag at gagamit ng modified exhaust system na nagdudulot ng labis na ingay sa loob ng Freeport zone. (Ulat mula sa PNA at MITCH C. SANTOS, larawan mula sa PNP)

Leave a comment