Ang Pahayagan

FAB kaisa sa 269th Bataan Foundation Day

BATAAN– Nakibahagi ang Authority of the Freeport Area of Bataan sa pagdiriwang ng ika-269th na Bataan Foundation Day bilang paggunita sa pagkakatatag ng Bataan bilang isang hiwalay na lalawigan.

Kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan at iba’t ibang sektor, lumahok ang AFAB sa Festival of Festivals at Parada ng Selebrasyon sa kahabaan ng Capitol Drive. Sinaksihan din ang State of the Province Address 2026 na ginanap sa Bataan People’s Center, kung saan inilatag ang kalagayan ng probinsya at mga programang nakatuon sa kaunlaran ng ekonomiya.

Ang pagdiriwang ay isinagawa alinsunod sa Batas Republika 11138 na nagdedeklara sa ika-11 ng Enero bilang special non-working holiday, bilang paggunita sa pormal na pagkakahiwalay ng Bataan mula sa Pampanga noong 1757. (PR)

Leave a comment