Masayang nagsama-sama ang 250 bata mula sa Kalalake Elementary School sa Olongapo City na naapektuhan ng Bagyong Typhoon Uwan sa isang Christmas party ang isinagawa ng tanggapan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano para sa kanila.
Nag-enjoy ang mga bata sa mga laro at tumanggap ng backpack, tumbler, at baunan, habang mga laruan naman ang ipinamahagi bilang mga premyo. Naging posible ang aktibidad na ito sa tulong nina Barangay New Kalalake Kagawad Randy Sionzon Jr. at former Barangay Chairman Randy Sionzon Sr.
Ilang Christmas party ang isinagawa rin ng Cayetano team sa mga barangay na naapektuhan ng mga kalamidad. Hatid nito ay saya, pag-asa, at malasakit mula kay Cayetano sa mga kabataan sa iba’t ibang panig ng bansa. (PR)


Leave a comment