Ang Pahayagan

33rd ASIA PACIFIC REGIONAL SCOUTS JAMBOREE SA ZAMBALES, MATAGUMPAY NA NAILUNSAD

ZAMBALES– Pormal nang nagsara sa pamamagitan ng grand campfire ang 33rd Asia Pacific Regional Scouts Jamboree (APRSJ) noong Sabado, Disyembre 20 sa Barangay San Juan, Botolan, Zambales.

Ang naturang jamboree,na itinuturing na pinakamalaking outdoor educational scouting event sa Asia-Pacific Region, ay dinaluhan ng halos 25,000 mga delegado, kabilang na ang 441 na mga internasyonal scouts, mula sa 20 bansa sa rehiyon.

Kabilang sa mga bansang nagpadala ng kanilang delegasyon ang Kuwait, Bangladesh, Estados Unidos, Korea, Taiwan, Maldives, Hong Kong, Australia, Malaysia, Sri Lanka, Vietnam, Indonesia, Mongolia, Thailand, India, Nepal, Bhutan, Timor Leste, habang ang bulto naman ay mula Pilipinas.

Sa press conference bago ang pagtatapos na programa, nagpahayag ng kanilang lubos ang pasasalamat kay Zambales Governor Hermogenes Ebdane, Jr., bilang Camp Chief, ang mga Contingent Heads at Officials ng Asia-Pacific Region sa anila’y kaayusan at seguridad sa nasabing Jamboree.

Pinuri rin nila ang mainit na pagtanggap, malasakit, at maayos na pangangalaga sa mga Scout at delegado sa buong panahon ng pananatili nila sa kampo.

Nagkaroon din ng palitan ng scouting friendship tokens, habang iginawad ng Zambales provincial government at Boy Scout of the Philippines officials ang mga Plaque of Gratitude sa mga lider ng international delegates bilang pagkilala sa kanilang mahalagang pakikiisa.

Sinindihan ni Botolan Mayor at Deputy Camp Chief Jun Omar Ebdane ang grand campfire sa closing ceremony ng 33rd Asia Pacific Regional Scouts Jamboree.(Larawan para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)

“Today we do not mark an ending but a milestone. What has taken place in our province over these days is a living testament to what young people can achieve when guided by shared values, and sense of responsibility,” saad ni Gob. Ebdane.

“To our friends from the Asia-Pacific Region, your presence has strengthened the bonds that connect our nations. May the solidarity form here enjoy beyond this occasion and continue to guide our collective efforts towards understanding, peace and service. May the lesson be learned, the challenges faced and the friendship forged here became part of who you are, not merely stories to remember but principles that influence your decisions and shape your leadership in years to come,” dagdag pa nito.

Malugod din na pinasalamatan ng gobernador ang mga medical personnel, Engineering and Maintenance workers, Security forces at mga volunteers gayundin ang kooperasyon ng mga Zambaleño para matagumpay na maisakatuparan ang nasabing aktibidad.  

Bilang pangwakas, opisyal na ipinasa ni Gob. Ebdane ang bandila ng ng 33rd APRSJ sa pinuno ng Thailand scouting delegation na susunod na host ng Asia-Pacific Regional Scouts Jamboree. (Ulat para sa Ang Pahayagan / MARTI DUMAGUING)

Leave a comment