ZAMBALES – Pormal nang binuksan ang Luzon Regional Visual Arts Conference and Festival o tinaguriang “Zambulat 3”, sa Casa San Miguel, San Antonio, Zambales nitong Sabado, Disyembre13 na tatagal hanggang Pebrero 14, 2026.
Sa temang “Community. Healing. Identity. Environment.,” ang naturang festival ay hindi lamang anila isang pagdiriwang kundi isang paglalakbay—isang paghahanap sa kung paanong ang sining ay nagiging lunas, salamin, at tinig ng ating mundo.
Nilahukan ito ng may 120 na mga artistang nagmula sa ibat- ibang panig ng Luzon gaya ng Baguio City, Tarlac, Lucban, Olongapo at Zambales, kasama ang mga batang talento mula sa Philippine High School for the Arts.
Bahagi sa mga nakahanay na aktibidad rito ang :
Tambayan Archiving Community Memories of Sound (ITACMOS): kung saan ang mga tunog ng kahapon na binubuhay muli, isang orkestra ng mga alaala na nagpapakita ng ating pinagmulan.
Panatag Cartography Project: Bawat mapa ay isang kuwento, bawat linya ay isang karanasan. Ang proyektong ito ay isang pagtuklas sa mga naratibo na bumubuo sa ating pagkatao.
Takes of the Sea: Chasing Community Shadows: Sa bawat anino, mayroong katotohanan. Ang pagtatanghal na ito ay isang pagsisid sa mga misteryo ng komunidad, kung saan ang sining ay nagiging ilaw sa dilim.

Art Atak: Isang pagsabog ng kulay at ideya, kung saan ang bawat likha ay isang pahayag, isang protesta, isang pag-ibig.
Public Art: Mula sa mga parol na nagbibigay-liwanag sa kalikasan hanggang sa mga awit na umaakyat sa langit, ang sining ay nagiging bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay.
Masisilayan rin dito ang samu’t-saring aktibidad tulad ng Kapihan Talks: Mga usapan na nagbibigay-inspirasyon, kung saan ang mga artist ay nagbabahagi ng kanilang mga pangarap at pananaw.
– Book Launches: Mga librong nagbubukas ng mga bagong mundo, kabilang ang mga likha ni Angela Gabrielle Fabunan at Angel Velasco Shaw.

– Performances: Mga pagtatanghal na humahaplos sa puso, mula sa mga himig ng Pundaquit Virtuosi hanggang sa mga galaw ng Abbygail Arenas Dance & Arts San Antonio.
“For many decade, ang Casa San Miguel po ay naging tahanan ng Culture and Art dito sa San Antonio, at nakilala kami bilang Cultural Landmark sa Zambales,” ani Arvin Antipolo alkalde ng San Antonio Zambales.
“Napakalaki ng ambag ng Casa San Miguel hindi lang dito sa aming komunidad,maging sa mundo ng Culture and Art’s na kung saan mula noon napakarami na nitong natutulungan mula sa bata na pagkatuto sa art’s hanggang sa mga ito ay naging propesyunal na” dagdag pa ni Antipolo.
Ang Zambulat ay itinataguyod ng National Commission for Culture and the Arts, Bagong Pilipinas, Le Charmé, Rustan’s, UAL: British Council, at marami pang iba. (Ulat para sa Ang Pahayagan ni MITCH C. SANTOS, mga larawan nina ELLA TONELADA at EDUARDO CABUAY)


Leave a comment