Ang Pahayagan

Planong Specialized BPSU-AFAB Campus, Inilatag Na

BATAAN- Pormal nang sinimulan ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) at Bataan Peninsula State University (BPSU) ang talakayan para sa pagtatatag ng isang specialized BPSU-AFAB Campus sa loob ng Freeport Area of Bataan (FAB).

Layunin ng inisyatibing ito na gawing mas abot-kamay ang de-kalidad na edukasyong tumutugon sa pangangailangan ng lakas paggawa, para sa isang Bataeñong handa, bihasa, at kaagapay sa patuloy na pag-unlad ng Bataan.

Pinangunahan nina AFAB Deputy Administrator for Support Services Malou L. Herrera at BPSU President Dr. Ruby B. Santos-Matibag ang pagpupulong sa mga akmang academic programs sa pangangailangan ng FAB sa industriya at lakas paggawa.

Ipinresenta ng BPSU ang mga posibleng program offerings at kinakailangang imprastruktura, kabilang ang mungkahing three-story learning facility na may kapasidad para sa higit 200 estudyante.

Nagkasundo ang AFAB at BPSU na simulan ang pagbalangkas ng Memorandum of Understanding at pagsasagawa ng feasibility study na isusulong para sa pag-apruba sa Kongreso.

Leave a comment