PAMPANGA —Sa layuning palakasin ang ugnayan sa mga kasapi ng media at ipabatid ang mga bagong inisyatibo ng ahensya, isinagawa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang “Media Forward & Appreciation Day” nitong Martes, Nobyembre 18 sa lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Nagtipon ang mga kinatawan ng media, opisyales ng gobyerno, at mga tagapagtaguyod ng pampublikong kalusugan upang makiisa sa programa. Pormal na nagsimula at binuksan ni Henry V. Almanon, Acting Vice President ng PhilHealth, ang programa sa pamamagitan ng mensahe ng pagtanggap at pagpapakilala sa “Media Forward” initiative, kabilang ang ang bagong PhilHealth Yaman sa Kalusugan o YAKAP program—isang hakbangin para sa mas inklusibong access sa benepisyo ng PhilHealth.
“Mahalagang malaman ng marami ang kahalagahan ng Philhealth at mga programa nito lalo na ang pinakabago na YAKAP at kung bakit kailangan na ang Philhealth at DOH na magsanib pwersa para sa pagtataguyod ng programa ng PhilHealth at DOH,” ayon kay Almanon.”

“Para sa mga beneficiary ng PhilHealth umasa kayo na lalo namin pagagandahin ang ating programa lalo na ang YAKAP program. Baguhin na natin ang ating mind set wag natin balewalain ang ating kalusugan dahil eto lang ang ating yaman at andito ang Philhealth para maging inyong katuwang.
Sa mga Provider o Health Care Provider ng bawat LGU naman, sana makipagtulungan kayo sa amin sa mga pangunahing problemang kinakaharap ng inyong nasasakupan”.
Bilang pagkilala sa suporta ng iba pang ahensya, ginawaran ng parangal at ginawaran ng photo ops ang mga regional director ng mga pangunahin ahensiya sa rehiyon.
MASAYANG PAGTITIPON
Ang “Media Forward & Appreciation Day” ay pagsisikap ng PhilHealth na makipag-ugnayan sa media bilang katuwang sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.
Sa ikalawang pagkakataon, muling kinilala ang 88.7 GV Radios K5 News FM Olongapo bilang YAKAP Champion ng PhilHealth Region III, isang prestihiyosong parangal na iginagawad sa mga media partner na may natatanging ambag sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa Universal Health Care at mga benepisyo ng PhilHealth.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagtitiwala ng PhilHealth sa kakayahan ng K5 News FM na maghatid ng tapat, makabuluhan, at serbisyong publikong impormasyon sa mga mamamayan ng Olongapo at karatig-lugar. Sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan, panayam, at balitang lokal, naging katuwang ang istasyon sa pagsusulong ng mga adbokasiya ng ahensya.
Wagi din ng gabing iyon ang mga K5 reporter na sina Angelo Turno at Prolet Sanchez na nagpamalas sa kanilang angking na pagkanta at pag -rap.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng GV Radios K5 sa kanilang mga tagapakinig, media partners, at buong komunidad ng mga ka-K5 na patuloy na sumusuporta sa misyon ng istasyon.


Leave a comment