Tumanggap ng tulong pang-edukasyon kamakailan ang 500 kabataan ng Olongapo City sa Zambales mula sa Bayanihan Caravan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ipinamahagi ito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa Gordon College, East Tapinac, ng nasabing siyudad.
Bahagi ito ng patuloy na adbokasiya ni Cayetano na pagaanin ang gastusin sa pag-aaral ng mga underprivileged na pamilya at bigyan ng pantay na pagkakataon ang kabataang Pilipino na makamit ang mas maayos na kinabukasan. (PR)


Leave a comment