Ang Pahayagan

Zambales naghahanda na sa pagdating ni Uwan

Bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang pagtama ng bagyong Uwan (international name Fung Wong) sa Northern at Central Luzon, nagsagawa ngayong Biyernes, Nobyembre 07, ng coordination meeting ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales.

Sa pangunguna ni Engr. Domingo L. Mariano ng Provincial Engineering Office at Rolex Estella ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office kasama ang mga pinuno at kinatawan mula iba’t-ibang line agencies at Philippine Army, tinalakay rito ang mga hakbang para sa mabilis na pagtugon sakaling lumakas at magdulot ng pinsala ang nasabing bagyo.

Nais matiyak sa nasabing pagpupulong ang kahandaan ng mga kagamitan para sa rescue operations, food supplies, mga behikulo na gagamitin, mga tauhan, at itinakdang mga evacuation centers sakaling maganap ang pananalasa ng bagyo Uwan.

Iprinisenta rin sa pagpupulong ang One Contact System / Point of Contact (POC) na gagamitin ng bawat departamento para sa mas mabilis na koordinasyon at komunikasyon sa panahon ng kalamidad.

Pinapayuhan ang lahat ng Zambaleño na maging handa sa paparating na bagyo sa pamamagitan ng pagkumpuni ang mga tahanan, ihanda ang mga pangunahing pangangailangan, at itaas ang mga kagamitan lalo na sa mga nakatira sa mabababang lugar upang makaiwas sa pinsala dulot ng pag-ulan at pagbaha.

📸 Zambales for the People

Leave a comment