Ang Pahayagan

MGA BITAK SA BAGONG REBLOCKED HIGHWAY SA ZAMBALES

Ramdam din ng mga motoristang bumabiyahe sa Katimugang bahagi ng Zambales ang agad na pagkasira ng bagong reblocked na kongkretong Olongapo-Bugallon Road, base sa mga kuhang larawan ng Ang Pahayagan nitong Sabado, Oktubre 11.

Ayon sa pahayag mismo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa isang press conference kahapon, ang mga reblocking projects ay pinaniniwalaan niyang  “pinagkakitaang” at isa din sa mga kinurap na proyekto na labis na ikinadidismaya ng publiko.

Ang mga posibilidad ng iregularidad na ito aniya ay marapat din na isailalim sa imbestigasyon kung kaya’t agad siyang nag-utos na ihinto ang mga reblocking activities. (Kuha para sa Ang Pahayagn / JUN DUMAGUING)

Leave a comment