Ang Pahayagan

Planta ng gatas pinasinayaan ni PBBM

PAMPANGA– Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng Farm Fresh Milk Plant sa Global ASEANA Business Park 2 sa San Simon, Pampanga nitong Biyernes, October 3, 2025.

Pinangunahan ni Marcos sa pamamagitan ng ribbon cutting ceremony ang inagurasyon para sa Farm Fresh Milk Plant Building 2 at nilibot din ang Production Plant sa Building 3, ang Mixing, Pasteurization, Bottle Labeling, Filling at Packaging Areas ng naturang planta.

Sinasabing karagdagang oportunidad para sa farm workers at mga beterinaryo ang hatid ng bagong bukas na Fresh Milk Plant sa Pampanga.

Resulta umano ito sa mga pulong ng pangulo sa Malaysia noong 2023, kung saan matatandaang nakipagkasundo ang Farm Fresh Berhad na mag-invest ng US$20-million para sa pagpapalakas ng milk production sa Pilipinas.

Layon nito na patataasin nito ang produksyon ng pasteurized milk sa 32 milyong litro at ng yogurt sa 2.4 milyong litro kada taon, upang masuportahan din ang food manufacturing at dairy industry sa bansa.

Ang Farm Fresh Milk, Incorporated ay subsidiaryo ng Farm Fresh Berhad, isang Malaysian dairy company.

Kabilang sa mga dumalo sa inagurasyon ay sina Malaysian Minister of Agriculture Datuk Seri Haji Mohamad bin Sabu at Malaysian Ambassador Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino.

📸PCO

Leave a comment