ZAMBALES– Isang sanggol na babae na tinatayang nasa dalawang araw pa lamang na naisisilang ang natagpuan nitong Miyerkules, Oktubre 1, 2025, sa sementeryo ng Barangay Magsaysay, Castillejos, Zambales.
Nabatid mula sa isang social media post ng Castillejos Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), natagpuan ng mga concerned citizen ang foundling baby girl sa Castillejos Public Cemetery.
Kaagad na ipinagbigay alam ito sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na agad naman na nagdala sa sanggol sa San Marcelino District Hospital (SMDH) upang matiyak na nasa maayos na kalagayan ito at mabigyan ng mga pangangailangang medikal.
Nagsagawa din ng imbestigasyon ang Castillejos Municipal Police Station (MPS) hinggil sa insidente.
Ang nasabing sanggol ay nasa pansamantalang pag-iingat ngayon ng Jasmin Rhose Home, Inc.
📸 Castillejos MSWDO


Leave a comment