Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ng pagkakaisa at mabilis na aksyon matapos ang lindol na tumama sa Cebu nitong September 30.
Ipinahayag niya ang pakikiisa sa mga naapektuhan at hinikayat ang pamahalaan na agad na magbigay ng tulong at tiyakin ang kaligtasan ng mga komunidad.
“Our prayers are with our kababayan in Cebu and the Visayas who were shaken by this earthquake. Sa ganitong mga panahon, kailangan nating ipakita na hindi nag-iisa ang ating mga kababayan. Government must be quick, efficient, and compassionate in its response,” wika ni Cayetano.
Matagal nang binibigyang diin ng senador ang kahalagahan ng kahandaan sa sakuna at matibay na komunidad.
Muli niyang iginiit ang pangangailangan ng mas malakas na pamumuhunan sa ligtas na imprastraktura at mas maayos na disaster-response systems.
“This earthquake reminds us that the Philippines is one of the most disaster-prone countries in the world. Hindi sapat ang panandaliang tulong lang — our goal must be long-term preparedness. We need to make sure that our schools, hospitals, and critical infrastructure can withstand disasters, and that relief operations can reach people immediately when calamities strike,” sabi niya.
Binanggit din ni Cayetano ang kahalagahan ng bayanihan sa panahon ng krisis, tulad ng kanyang mga naunang pahayag tuwing may kalamidad.
“Government action is crucial, but so is the spirit of bayanihan. Time and again, Filipinos have proven that in moments of crisis, we rise together. Kung magtutulungan tayo — mula sa pinakamaliit na barangay hanggang sa pinakamataas na antas ng pamahalaan — we can ease the suffering of those most affected,” aniya.
Tiniyak din ng senador na nakikipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa mga lokal na lider at ahensya para alamin ang agarang pangangailangan at maihatid ang tulong sa mga pinaka-apektado.
“We must put politics aside. Ang pinaka-importante ngayon ay ang mabilis, tapat, at maayos na pagbigay ng tulong. This is not just about relief — it’s about restoring hope and ensuring that our communities emerge stronger,” sabi ni Cayetano. (PR)


Leave a comment