Ang Pahayagan

POWER 101 AT PLANT TOUR NG ABOITIZ POWER SA BATAAN

Bilang bahagi ng adbokasiya para sa energy literacy at inclusive energy transition, isinagawa ng AboitizPower ang Power Systems 101 learning session nitong Martes, Setiyembre 30 sa Mt. Tarak Guest House and Restaurant sa Mariveles, Bataan.

Ang Power Systems 101 ay isang edukasyonal na programa na binuo ng AboitizPower katuwang ang Department of Energy upang palalimin ang kaalaman ng mga lokal na opisyal, community leaders, educators, at business partners sa teknikal at operational na aspeto ng Philippine power system.

Layon din nito na makapagbigay ng mas malawak na pag-unawa sa proseso ng power generation, transmission, at distribution. Hinihikayat din ang dayalogo ukol sa energy transition, sustainability, at responsableng paggamit ng enerhiya.

Bahagi rin dito ang plant tour sa pasilidad ng GNPower at GMEC, ang sinasabing pinakamalaking greenfield power projects sa Luzon.

SEGURIDAD NG MANGAGAWA

Kabilang sa natanong ng Ang Pahayagan ang hinggil sa kaligtasan mula sa alikabok sa planta gayundin ang kahalagahan ng mahigpit na seguridad na ipinatutupad sa pasilidad ng planta.

Ayon kay Rechimer Daitol, Maintenance Senior Manager ng GNPower-Dinginin, kabilang sa mga hakbang na isinasagawa ay ang paggamit ng Personal Protective Equipment (PPE) gaya ng helmet, gloves, at respiratory masks.

Regular din umano ang mga safety training para sa mga empleyado at ang mahigpit na emergency protocols at fire drills.

Ipinatutupad din anila ang ng air quality monitoring upang maiwasan ang respiratory illnesses.

RENEWABLE ENERGY

Kaugnay naman sa energy transition towards renewable energy, sinabi ni DoE Supervising Science Research Specialist Mark Christian Marollano na kasalukuyang nababalanse naman aniya ang direksyon patungo sa paggamit ng renewable energy sources.

Target umano rito na makamit ang 30 porsyento ng enerhiya limang taon mula ngayon o hanggang taong 2030. Layon din umano ng DOE na diverse ang ating energy source sa hinaharap.

POWER PLANT TOUR

Sa plant tour, ipinakita sa mga kalahok ang operasyon ng GMEC at GNPD na gumagamit ng multi-fuel electricity generation upang matugunan ang pangangailangan ng Luzon at iba pang bahagi ng bansa.

Kasama din sa ipinaliwanag ang mga hakbang sa pagpapanatili ng kaligtasan, kahusayan, at environmental compliance. Inilatag rin kung paano ang operasyon sa loob ng planta at ang kaligtasan ng mga manggagawa nito.

“Ang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng AboitizPower para sa responsible, reasonable, and reliable energy solutions na inuuna ang tao at kalikasan,” saad ni  Andrea “Morning” Madrid, VP for Corporation Services North Luzon Aboitiz Power. Transition Business Group. (Ulat para sa Ang Pahayagan nina Mitch C. Santos at Marti S. Dumaguing)

📸  Nasa larawan (kaliwa hanggang kanan) sina Lou Jason Deligencia, AVP for Corporate Sevices-South Luzon, AboitizPower-Transition Business Group; Mark Christian Marollano, DOE Supervising Science Research Specialist; Andrea “Morning” Madrid, VP for Corporation Services North Luzon Aboitiz Power Transition Business Group at JK Huyatid, Corporate Affairs Manager, Aboitiz Power Transition Business Group, habang sinasagot ang mga katanungan ng mga inimbitahang mamamahayag sa ginanap na Power Systems 101 learning session.

Leave a comment