Ang Pahayagan

Pagkilos sa harap ni Opong

Sa gitna ng masungit na panahon dulot ng bagyong Opong, gumamit ng mga heavy equipment ang lokal na pamahalaan ng San Marcelino, Zambales upang ma-divert ang malakas na agos ng tubig mula sa Sto. Tomas river at mailihis sa Sta. Fe river upang maiwasan ang pagkasira ng mga imprastraktura, kabuhayan at pananim sa Barangay Sta. Fe, San Marcelino Zambales.

Ang naturang operasyon ay isinagawa sa inisyatiba ni Mayor Elvis Soria at sa pakikipagtulungan ng isang pribadong construction company gayudin ng San Mar Solar na malapit sa lugar.

📸 San Marcelino Public Information Office

Leave a comment