Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 3 (BFAR 3) ng limang yunit ng 62-footer Fiberglass Reinforced Plastic (FRP) handline fishing boats sa iba’t ibang grupo ng mangingisda sa lalawigan ng Zambales.
Bawat bangka na tinatayang nasa ₱9 milyon ang halaga kada yunit ay may kasamang makina, anim na pakura o mas maliliit na bangka, gayundin ang kumpletong fishing gears at underwater fittings.
Layunin ng BFAR 3 na makatulong na mabigayan ng mas mataas na kita ang mga benepisyaryo ang naturang mga bangka.
Mapapalakas din ng mga bagong sasakyang-pandagat na ito ang hanapbuhay ng mga mangingisda at mapalawak ang kanilang operasyon sa commercial waters ng Olongapo City at Subic.
Nilalayon ng inisyatibong ito na higit pang mapaunlad ang sektor ng pangisdaan sa rehiyon at maiangat ang kabuhayan ng mga lokal na mangingisda.
Isinagawa ang turn-over ceremony sa WFI Compound sa Barangay Wawandue, Subic, Zambales na dinaluhan ng ilang opisyales ng lalawigang Zambales.
📸 BFAR Gitnang Luzon


Leave a comment