OLONGAPO CITY– Nagsagawa din ng kilos-protesta ang mga miyembro ng civil-society group sa lungsod ng Olongapo bilang pakiki-isa sa malawakang pagkilos kontra korupsyon na ginaganap ngayon sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Pinangunahan ng grupong People Against Corruption – Olongapo (PACO) ang naturang anti-corruption rally sa Rizal Triangle Park dito na nilahukan ng mga representante mula sa iba’t-ibang sektor, mga ordinaryong residente at maging nga ilang katutubong Aeta.
Sa kabila nito ay naging mahigpit naman ang tagubilin ng organizer na hindi pinapayagan ang mga politico na makisawsaw sa isinagawang rali.
Bitbit ang temang “Bangon, Laban sa Korupsyon!”, hinihimok ng PACO na magkakaisa ang taumbayan na laban ang katiwalian at isulong ang transparency sa pamahalaan.
Ngayong araw Setyembre 21, ay itinakda na National Day of Protest kung saan ginugunita din ang deklarasyon ng Martial Law noong 1972.


Leave a comment