Ang Pahayagan

TALALAYAN SA FREEPORT PAGPUPUGAY AT PAKIKIPAG-UGNAYAN  NG MGA LIDER PARA SA KOMUNIDAD 

Isinagawa nitong ika-19 ng Setyembre 2025 ang buwanang press briefing na Talakayan sa Freeport, isang inisyatiba ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pangangasiwa ng Corporate Communications Group. Layunin ng aktibidad na ito na magbigay-linaw sa mga isyung may kinalaman sa pamayanan ng Freeport, gayundin ang pagtalakay sa mga polisiya, proyekto, programa, at mahahalagang kaganapan na may direktang epekto sa mga stakeholder ng Subic. 

Sa nasabing pagtitipon, tampok na panauhin si Kinatawan Jay Khonghun ng Unang Distrito ng Zambales, na kasalukuyang nagsisilbi bilang Deputy Speaker ng House of Representatives. Isang matagal nang katuwang ng SBMA sa pagpapaunlad ng rehiyon, si Congressman Khonghun ay nagbahagi ng mahahalagang pananaw hinggil sa mga kasalukuyang inisyatiba ng pamahalaan para sa Subic Bay Freeport at mga karatig-komunidad. 

Ipinahayag ni Congressman Khonghun ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa SBMA sa pagbibigay ng pagkakataong maiparating ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng Talakayan sa Freeport. Aniya, ang ganitong mga plataporma ay mahalaga upang mapalalim ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan, at upang maipabatid ang mga hakbangin para sa inklusibong kaunlaran. 

Sinagot ng kongresista ang mga katanungan gaya ng maanomalyang isyu sa Flood Control, Aniya bilang kongresista ang responsibilidad nito ay pondohan ang mga proyekto sa mga lugar na nasasakupan nito na nangangailangan ng poste at ilaw at mga kalsada, mga tulay  kailangan gawin o ayusin. At pagkatapos niyon ay nasa kamay na ng  DPWH ang pangangasiwa sa mga bidding at kontratista  

Gayundin ay nabigay siya ng pahayag  para sa mga kasamahang nasasangkot sa isyu ng “ kung mapapatunayan talaga na sila ay sangkot sa usaping ito ng flood control sila ay dapat talagang managot at panagutin, nakakalungkot nga lamang dahil sila ay ating mga kasamahan sa trabaho”. 

Naitanong din ng Ang Pahayagan kung kamusta na ang lagay ng usapin sa tubig  sa ilalim ng operasyon ng Subic Prime Water na pagmamay-ari ng mga Villar. “well siguro alam naman na natin na nagkaroon ng paguusap sa pagitan ng Prime Water at Kamara at patuloy pa rin natin silang iniimbistigahan at binabantayan kaya kailangan nila mag comply sa maayos na serbisyo at kung hindi ay itutulak natin  ang pagteterminate sa kanilang kontrata, mahirap pero kailangan at least ay May nasimulan na tayo” ani Khonghun. 

Lubos ding pinasasalamatan ng SBMA ang mga kasapi ng media mula sa Subic at mga karatig-lugar na dumalo at aktibong nakibahagi sa talakayan. Ang kanilang presensya ay patunay ng patuloy na suporta sa pagbabahagi ng makabuluhang impormasyon sa publiko.

Leave a comment