Binigyan na ng Japan Meteorological Agency (JMA) ng international name ang tropical storm na si NandoPH bilang Ragasa.
Inaasahang lalakas pa ito habang nananatili sa Philippine Sea sa mga susunod na araw.
Batay sa pinakahuling pagtala sa nakalipas na magdamag, halos walang pinagbago sa posibleng lakas at tahakin nito na inaasahang magiging isang malakas na bagyo na makakaapekto sa Northern Luzon.
May posibilidad na itaas sa nabanggit na lugar ang Signal no.4 na inaasahang mararamdaman na sa araw ng Lunes, at sa Martes-Miyerkules naman inaasahang mananalasa na ito sa kalupaan.
Posibleng hahatakin nito ang habagat simula sa araw ng Lunes at mas lalakas pa pagsapit ng Martes hanggang Huwebes. Magdudulot ito ng masungit na karagatan at maulang panahon sa kanlurang bahagi ng bansa.
Ang pangalang “Ragasa” o ang ibig sabihin ay “mabilis na paggalaw” ay iniambag ng Pilipinas sa pangalan ng mga bagyo na mabubuo sa Wester Pacific. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ang pangalang, na pinalitan ang STY Hagibis noong 2021.
📸 JMA


Leave a comment