Ang Pahayagan

Cayetano: Pinas na graft-free? Posible kung magkakaroon ng culture of integrity sa bansa

“Can we fix the whole Philippines?”

Posible, ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, kung ang mga nasa likod ng justice system ay tutulong maghubog ng kultura ng integridad.

Sa harap ng mga miyembro ng Metropolitan and City Judges Association of the Philippines (MetCJAP) sa kanilang 25th Convention and Seminar nitong September 18, iginiit ni Cayetano na pwedeng makawala ang bansa sa paulit-ulit na korapsyon kung magiging instrumento ng “renewal” ang hudikatura.

“When we thought the biggest scam was Napoles, suddenly we have what we’re dealing with now,” sabi niya, patungkol sa diumano’y ghost flood-control projects.

“We have to hold people accountable. We have to fix our system. Kailangan mabawi ’yung pera,” dagdag pa niya.

Pero giit ng abogadong senador, hindi dapat matapos sa pagpaparusa sa iilan ang laban kontra katiwalian.

“Environment matters,” aniya. “If we’re just going to go after some contractors and a few politicians, kasuhan sila, then bahala na si Batman, hindi magbabago.”

“Whatever sphere of authority as judges you have, let us start changing the political, economic, and social culture sa Pilipinas na stealing, cheating, and lying is OK,” paghihikayat niya sa mga judge.

Bilang halimbawa, tinukoy ni Cayetano ang Singapore kung saan nakaugat ang integridad sa araw-araw na pamumuhay, mula sa pagbabawal ng pangongopya sa klase hanggang sa tren na laging nasa oras ang byahe.

“Y’ung train nila, ma-late lang ng three minutes, may investigation na y’ung Department of Transportation. Integrity is a core value [in Singapore],” pahayag ni Cayetano.

Layon ng MetCJAP convention na isulong ang Supreme Court Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 para pabilisin at palawakin ang access sa hustisya gamit ang innovative na mga reporma at makabagong teknolohiya.

Bagama’t ilang corruption reforms na kinailangang isulong ng senador sa higit tatlong dekada niya sa serbisyo-publiko, positibo si Cayetano na may solusyon dito.

“We [seem to] start accepting na never tayo magiging parang Singapore, na ang core value ay integrity. Well, I’m here today to tell you, I don’t believe in that,” wika ng senador.

“Lawyers will have a very, very big role to play in the coming reform and renewal of our country,” dagdag niya. (PR)

Leave a comment