Nanawagan si Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David ng Kalookan para sa matinding panalangin at nagbabala din na ang Pilipinas ay nilalamon aniya ng “Spiritual Crocodile” sa katauhan ng mga tiwaling politiko.
Ito ang nilalaman ng kanyang homiliya sa isang Misa kasama ang Filipino community sa US city of Los Angeles, California kung saan pinuna niya ang mga pulitiko at kontratista na “walang kahihiyang nanlilimas sa pondo ng publiko habang ang mga mahihirap umano ay nalulunod sa baha ng katiwalian.”
“My dear fellow Filipinos, please pray hard for our country. We are presently in a deep state of political crisis,” saad David sa taunang Virgen de los Remedios Mass nitong Linggo, Setyembre. 14, (Sept. 15 sa Pilipinas) sa Cathedral of Our Lady of the Angels.
Ang liturhiya, na dinaluhan ng karamihan pawang mga Kapampangan, ay alinsabay din sa ika-69 na anibersaryo ng canonical coronation ng imahe ng Virgen de los Remedios de Pampanga.
Hinimok niya ang mga Filipino na dumulog sa Birheng Maria para sa proteksyon sa inilarawan niyang lumalalang krisis sa pulitika.
“The next few days or weeks or months ahead are now very uncertain,” ani David, na presidente din ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
“We commend our country to the Virgen de los Remedios … the one who leads us to follow not Satan’s way, not my way, but God’s way,” saad sa panawagan ni Cardinal Ambo. (Ulat mula sa CBCP News)
Nasa larawan si Cardinal Pablo Virgilio David sa taunang Virgen de los Remedios Mass sa Cathedral of Our Lady of the Angels sa Los Angeles, California nitong Linggo, Setyembre. 14, 2025 (CBCP News)


Leave a comment