Ang Pahayagan

Gob. Ebdane ipinatigil ang mga proyekto sa Zambales dahil nasangkot sa kotrobersiya ang mga kotratista

Kinansela ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales ang kontrata para sa tatlong major projects ng probinsiya makaraang masangkot ang pangalan ng mga kontratista nito sa mga ini-imbestigahang kontrobersiya kaugnay sa mga maanumalyang mga proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Engr. Domingo Mariano, consultant ng Zambales provincial government on Engineering and Infrastructure Development, kabilang sa mga kasalukuyang pagawaing proyekto na pansamantalang ipinahinto ang New Capitol Building, ang Sports Complex Track and Football Stadium at ang President Magsaysay Memorial Hospital na pawang nasa kabiserang bayan sa Iba, Zambales.

Ani Mariano, matapos na i-deklara ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAP) noong Setyembre 3 ang kanselasyon ng lisensiya ng mga kontatistang nasangkot sa usapin ay kaagad din na ipinag-utos ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. ng “Cancellation of Contract” sa kontrata ng mga ito sa mga proyekto dito sa lalawigan.

Kasalukuyan na aniyang nagkakaroon ng technical evaluation para sa mga apektadong Zambales projects na isusumite sa Comission on Audit (COA) upang mabatid ang isasagawang pamantayan para sa pagpapatuloy ng mga nabinbin na proyekto.

Nilinaw ni Mariano na “positive slippage” pa naman o ang estado ng mga ipinahintong proyekto ay higit na lumampas sa nakaplanong iskedyul para sa mga ito.

“Nagkaroong lamang po ng kontrobersiya (ang contractor) sa nasyunal at na-cancell ang accreditation ng St. Gerard Construction pero dito po wala naman problema yung trabaho nila, in accordance to plan po yung kanilang trabaho and in specifications, makikita nyo naman yung kanilang trabaho nasa ayos naman,” saad ni Mariano.

Leave a comment