Ang Pahayagan

CBCP naglabas ng pastoral letter kontra kurapsyon, aksyon ng kabataan hinimok

Naglabas ng pastoral letter ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa katiwalian sa likod ng flood control projects kung saan tinalakay rito na dapat umanong ibalik ang mga ninakaw na pera ng taumbayan.

Ayon pastoral letter na nilagdaan ni CBCP President Cardinal Pablo David nitong Sabado, Setyembre 6, hinimok nito ang mga mananampalataya na maging mapagbantay sa mga isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso at Senado. Ito ay sa kadahilanan na malaking bahagi ng pondo ng taumbayan ang napupunta lamang sa korapsyon.

“How credible are these inquiries when the very institutions conducting them are themselves implicated? Who inserted these projects into the national budget as pork, often at the expense of education, health, and social programs?” saad pambungad salita sa CBCP statement.

Nakasaad din sa pahayag na matagal nang alam ng publiko ang umano’y “anatomy of corruption” kung saan halos 60% ng budget ng mga proyekto ang napupunta umano sa komisyon, at kalahati lamang ang tunay na nagagamit sa aktwal na proyekto.

Dahilan rito maraming proyekto ang natatapos nang palpak, substandard, at paulit-ulit lamang na kinukumpuni ng gobyerno. Marapat umano na managot ang mga sangkot kasabay ng panawagan na ibalik sa taumbayan ang pondong ninakaw bilang bahagi ng hustisya.

Nanawagan din ang CBCP sa mga kabataan na mayroon din tungkulin ang mga ito na pagsisiwalat ng katotohanan sa digital space.

“You hold the keys to a new culture. You live in the digital space where truth and lies battle daily. Use your platforms not only for outrage, but for vigilance. Expose injustice, share facts, demand reforms. Make corruption shameful again,” diin pa sa CBCP pastoral letter.

Leave a comment