ZAMBALES– Dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang opisyal na paglulunsad ng HD Hyundai Heavy Industries Philippines, Inc. nitong Martes, Septyembre 2, na ginanap sa naturang shipbuilding facility sa Redondo Peninsula, Subic, Zambales.
Pinangunahan ni Marcos ang ceremonial steel cutting para sa unang bapor na gagawin ng naturang kumpanya sa Pilipinas. Sumisimbolo umano ito sa pagsisimula ng operasyon ng shipyard gayundin ang muling. pagbangon ng industriya ng paggawa ng barko sa bansa.
Ani Marcos, layon niya na muling ibabalik ang katayuan ng Pilipinas bilang isang global shipbuilding hub sa pamamagitan ng paglulunsad ng HD Hyundai Shipyard sa Subic, Zambales.
“Today, we will begin reclaiming our rightful place among the world’s great shipbuilding nations,” saad ng Pangulo.

“By 2030, we look forward to this yard employing 4,300 Filipinos. That equates to thousands of families with food on the table, thousands of workers with dignity in their craft, thousands of Filipinos who see shipbuilding as a source of livelihood,” ani Marcos.
Binanggit din ng Pangulo ang pagsisikap ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na sanayin at pahusayin ang mga manggagawa sa shipyard.
Sinabi niya na ang TESDA ay nagtatag ng isang training hub sa Subic kasama ang Hyundai, na nag-aalok ng 25 scholarship at 16 na espesyal na programa sa maritime trades at paggawa ng barko. (Ulat para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)


Leave a comment