Ang Pahayagan

MGA MAGSASAKA, SINANAY SA SOIL ANALYSIS AT COMPOSTING

ZAMBALES– Sumailalim sa hands-on training ang 25 magsasakang miyembro ng Balaybay Farmers Association sa Castillejos hinggil sa Soil Analysis gamit ang Soil Test Kit, Fertilizer Recommendation, at Composting gamit ang Compost Fungus Activator nitong nakalipas na Miyerkules, Agosto 20, 2025.

Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan ng Department of Agriculture – Regional Field Office III (DA-RFO 3) sa pamamagitan ng Soils Laboratory sa Castillejos, Zambales.

Layunin ng nasabing pagsasanay na mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka sa tamang pagsusuri ng lupa at paggamit ng organikong teknolohiya, na inaasahang magdudulot ng mas mataas na ani, mas mababang gastusin, at mas ligtas na kalikasan.

Bukod sa teknikal na pagsasanay, nakatanggap din ang mga kalahok ng oryentasyon hinggil sa Gender and Development Laws upang maisulong ang pagkakapantay-pantay at aktibong partisipasyon ng kababaihan at kalalakihan sa sektor ng agrikultura.

📸 Department of Agriculture Central Luzon

Leave a comment