CLARK FREEPORT ZONE—Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang may Php8.244 Milyong halaga ng mga misdeclared na produkto ng vape mula sa China na tangkang ipasok sa Clark Freeport zone.
Batay sa impormasyon mula sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), isinailalim ng mga tauhan ng BOC sa x-ray scanning at physical examination ang kargamento, na naunang idineklara bilang “non-commercial items” gaya ng sapatos at damit”.
Sa pagsusuri ay nakita ang 69 na kahon na naglalaman ng kabuuang 20,610 piraso ng Black Ultra vape pods.
Nagsagawa din ng joint operation ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at CIIS noong Agosto 14 kung saan naaresto ang recipient ng naturang shipment sa Quiapo, Maynila.
Isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang inisyu laban sa shipment dahilan sa paglabag umano sa Sections 117, 1113 (i) at 1400 ng Republic Act (R.A.) No. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).


Leave a comment