Ang Masinloc and Oyon Bay Protected Landscape and Seascape (MOBPLS) sa Zambales, natatanging opisyal na itinalagang marine protected area (MPA) sa Central Luzon, ay hinirang na finalist sa prestihiyosong 2025 Para el Mar Awards.
Sa pamamagitan ng mga hakbangin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Protected Area Management Board (PAMB) sa pangunguna ni Donaver Guevarra, pinuno ng DENR Community Environment and Natural Resources Office sa Masinloc, ang MOBPLS ay nakilala bilang modelo para sa integrated conservation.
Ayon kay DENR Regional Executive Director Engr. Ralph Pablo buong pagmamalaki ng ahensiya ang nasabing pagkilala sa MOBPLS bilang finalist para sa Para el Mar Award.
“Ito ay nagpapatunay na kapag tayo ay nagtutulungan, mapoprotektahan natin ang ating marine heritage at magbigay ng inspirasyon sa isang bagong henerasyon,” saad ni Pablo.

Ang MOBPLS ay tahanan ng mga bihirang species ng bakawan tulad ng ๐๐๐๐ฏ๐ค๐ฅ๐๐ค๐ง๐ ๐จ๐ฉ๐ฎ๐ก๐ค๐จ๐ at ang hybrid ๐๐๐๐ฏ๐ค๐ฅ๐๐ค๐ง๐ ๐ญ ๐ก๐๐ข๐๐ง๐๐ ๐๐, mga coral reef, giant clams (๐๐ง๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐จ), at ang nanganganib na blue-spotted rabbitfish (๐๐๐๐๐ฃ๐ช๐จ ๐๐ค๐ง๐๐ก๐ก๐๐ฃ๐๐จ). Kasama rin ang lugar bilang isang mahalagang marine turtle nesting site at mesophotic coral communities.
Idineklara ang MOBPLS bilang isang protektadong landscape at seascape sa pamamagitan ng Republic Act No. 7586, o ang National Integrated Protected Areas System Act. Saklaw nito ang higit sa 7,500 ektarya sa mga munisipalidad ng Masinloc at Palauig.
Sinabi ni Guevarra na ang kanilang mga pagsisikap ay nakatuon sa pamamahala ng protektadong lugar, pagpapatupad ng batas, pagtatasa ng biodiversity, at rehabilitasyon ng bakawan, gayundin ang pagtatatag ng mga biodiversity-friendly na kabuhayan tulad ng pagsasaka ng tahong at paggawa ng jam ng prutas.
โKasabay ng community awareness at education initiatives, tinitiyak din ng aming team ang mahigpit na monitoring at patrolling para maiwasan ang mga ilegal na aktibidad, tulad ng pagtatayo ng mga hindi awtorisadong istruktura, marine pollution, ecosystem destruction, at mapanirang pangingisda,โ paliwanag ni Guevarra.
Ang Marine Protected Areas Support Network ang nag-organisa ng Para el Mar Awards upang kilalanin ang kahusayan sa marine conservation and governance.
Ang 2025 Para el Mar Awards ay gaganapin sa Setyembre 17โ18, 2025 sa Iloilo City kung saan magsasama-sama ang mga kampeon para sa proteksyon sa dagat mula sa buong bansa.
๐ธ DENR Central Luzon


Leave a comment