Ang Pahayagan

Nakumpiskang mackerel, gustong ipamigay ng DA

Irerekomenda ng Department of Agriculture (DA) na ipamahagi na lamang ang frozen mackerel na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan sa Ports of Manila at Subic.

Ang rekomendasyon ay ipinarating ni DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. makaraan na lumabas sa laboratory tests ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ang mga nakumpiskang mga isda ay ligtas kainin ng tao.

Sinabi ni Tiu Laurel na hihilingin niya sa BOC na ilipat ang frozen mackerel sa DA upang maipamahagi ito ng ibang ahensiya tulad ng Department of Social Welfare and Development o ng Office of the President.

“(Sa) ngayon, mas higit na kailangan ito. Milyon milyong mga komunidad ang nasalanta at pagtulong na nahihirapan mula sa dinanas na malawakang pagbaha.  Maliit man itong aksiyon, subalit magbibigay ng makabuluhang kaluwagan sa hindi mabilang na naghihirap na mga Pilipin,.” saad ni Tiu Laurel.

Batay sa rekord ng DA, nasa halos pitong container vans ang nasabat ng BOC na ang bawat container van ay naglalaman ng tinatayang 30 metric tons ng frozen mackerel, o kabuuang 210 metric tons, na sapat upang bigyan ng tig-isang kilo ng isda ang 210,000 na pamilya. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)

Leave a comment