Ang Pahayagan

Drug peddlers timbog sa PDEA

PAMPANGA– Arestado ng tatlong umano’y drug pushers sa magkahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lalawigan ng Pampanga at Bulacan nitong Lunes, Hulyo 28.

Sa naunang operasyon, arestado ang dalawang babae na pinaniniwalaang sangkot sa bultuhang pamamahagi ng iligal na droga sa Balagtas at mga kalapit na bayan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 150 gramo ng umano’y meth (shabu) matapos ang matagumpay na buy-bust operation dakong alas-2:44 ng hapon. sa loob ng isang fast food chain sa Barangay Borol 1st, Balagtas Bulacan.

Nakuha sa mga nadakip ang tatlong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 150 gramo ng shabu at ang marked money na ginamit ng undercover PDEA agent.

Ayon sa PDEA, ang mga naarestong suspek ay pawang nasa surveillance mula pa noong unang linggo ng buwang ito.

Sa kasunod na operasyon, isang 26-anyos na lalaki ang nahulihan naman ng 700 ng gramo hinihinalang shabu kasunod ng buy-bust operation dakong 4:55 ng hapon. sa parking area ng isang mall sa Lungsod ng San Fernando.

Ang nadakip na suspek na kinilala sa alyas na Satar, tubong Lanao Del Norte, ay pinaniniwalaang sangkot sa paglaganap ng iligal na droga sa Lungsod ng San Fernando.

Ang mga naturang mga iligal na droga ay nakalagay sa pitong knot-tied transparent plastic bag, na kinumpiska ng operating team kasama ang buy-bust money.

Ang mga nahuling suspek ay nahaharap ngayon sa non-bailable offense sa ilalim ng section 5 (sale of dangerous drugs) sa ilalim ng Republic Act 9165.

Leave a comment