Ang Pahayagan

Nawawalang mangingisda, naligtas ng dumaraan na cargo ship

SUBIC BAY FREEPORT—Nailigtas ang isa sa nawawalang mangingisda mula sa lalawigan ng Pangasinan nang masagip ito ng dumadaang international cargo ship noong Sabado, Hulyo 26.

Ayon kay Commander Euphraim Jayson Diciano, hepe ng Philippine Coast Guard (PCG) station sa Zambales, nakipag-ugnayan sa PCG sub-station – Olongapo ang ship agent ng Malaysian-flagged Royal Cargo na MV Shinline 10 noong Biyernes, Hulyo 23, upang ipabatid na nailigtas nila ang isang mangingisda na kinilalang si Rodolfo Montes.

Si Montes, residente ng bayan ng Dasol sa Pangasinan, ay kabilang sa dalawang mangingisda na naiulat na nawawala sa gitna ng masamang panahon na dulot ng habagat na dala ng mga bagyong Emong at Dante.

Naturn-over sa pangangalaga ng PCG si Montes mula sa MV Shinline 10 makaraan na dumaong ito sa Naval Supply Depot (NSD) na kaagad naman na binigyan medikal na atensyon ng Subic Bay Metropolitan Authority- Public Health and Safety Department at pagkatapos ay ibinigay na sa kanyang sumundong kapamilya.

📸 SBMA HO

Leave a comment