Ang Pahayagan

Emergency Response unit ni Cayetano nagbigay ng tulong sa NCR at Rizal

Namigay ng 970 hot meals at 270 grocery packs ang tanggapan ni Senador Alan Peter Cayetano sa mga nasalanta ng baha at volunteer sa rescue operations sa Maynila, Marikina, at Rizal nitong July 23 at 24, 2025.

Sa ilalim ng Emergency Response Program ni Cayetano at katuwang ang mga sundalo sa rescue operations at mga lokal na opisyal, agad nabigyan ng tulong ang mga komunidad na naapektuhan ng tuloy-tuloy na ulan at pagbaha.

Nagsimula silang mamigay noong July 23 ng 250 hot meals sa Barangay 262 at 264 sa Tondo, Maynila. Kinabukasan, July 24, nagpunta naman sila sa District 1 ng Marikina at namigay ng 100 hot meals kasama si Konsehal Carl Africa.

Namigay rin sila ng 70 grocery packs sa mga miyembro ng Baseco PODA (Padyak Operators and Drivers Association) sa Port Area ng Maynila. Ang grupong ito ay bahagi rin ng PTK Program (Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan) ni Cayetano na tumutulong sa kabuhayan ng maliliit na negosyante sa pamamagitan ng pautang na may mababang interes.

Noong July 24 din, namigay ang grupo ng tig-100 hot meals sa Taytay, Cainta, at San Mateo sa lalawigan ng Rizal. Nagbigay din sila ng 200 grocery packs sa San Mateo. Naitaguyod ang lahat ng ito sa tulong nina Taytay Mayor Allan Martine De Leon, Cainta ABC President Janice Tacsagon, at San Mateo Mayor Omie Rivera.

Bilang pasasalamat, sinigurado ng senador na busog ang mga katuwang na volunteer rescuers. Kabuuang 320 hot meals ang ipinamahagi – 100 para sa staff ng Manila DRRMO (Disaster Risk Reduction Management Office), 100 para sa 11th and 12th Civil Military Operations Battalion, at 120 para sa1304th and 1305th Ready Reserve Infantry Battalion. 

Patuloy ang pagbibigay ng tulong ni Cayetano sa mga biktima ng kalamidad tulad ng baha, sunog, lindol, at landslide. Layunin din niya ang pagkakaroon ng hiwalay na ahensya ng gobyerno para sa mas mabilis at maayos na pagtugon sa mga sakuna – ang tinatawag na Emergency Response Department (ERD). 

Inihain niya bilang Senate Bill No. 105 ngayong 20th Congress, layunin nitong gawing mas mabilis at organisado ang pagtulong ng gobyerno tuwing may kalamidad, lalo na’t madalas tamaan ng sakuna ang bansa. 

Dahil sa pinsalang dulot ng tatlong bagyo at habagat simula July 18, 2025, muling nanawagan si Cayetano na ipasa ang panukalang batas na ito. 

Habang hindi pa ito batas, patuloy si Cayetano na nabibigay ng tulong at pag-asa sa mga apektadong komunidad sa pamamagitan ng Emergency Response Program. (PR)

Leave a comment