Muling sinuspinde ng Malacañang ang mga klase sa lahat ng antas sa ilang probinsya sa Huwebes, Hulyo 24, 2025, dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dala ng habagat.
Nakasaad sa Memorandum Circular No. 91 na ang mga non-vital government employees ay hindi kinakailangan na mag-report sa kanilang mga tanggapan.
Sa kabilang banda, ang mga ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan at response agencies ay dapat manatili upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng mga mahahalagang tungkulin ng pamahalaan.
Ang suspension o pagkakaroon ng alternate work arrangement naman sa mga pribadong kumpanya ay nasa diskresyon ng mga management nito.


Leave a comment