BATAAN – Patuloy pa rin ang nararanasang pagbaha bunsod ng sunod-sunod na pag-ulan sa Barangay Sta. Isabel, Dinalupihan, Bataan Martes ng hapon, Hulyo 22, 2025.
Ayon sa ulat mula sa mga residente, ilang bahagi ng kalsada sa barangay ay lubog pa rin sa tubig, dahilan upang hindi ito madaanan ng mga sasakyan. Ilang motorista ang nahihirapan tumawid, habang ang iba ay napilitang umiwas sa mga apektadong ruta.
Alerto pa rin na nakaantabay ang lokal na pamahalaan sa pagmomonitor sa sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan. (Larawan at ulat para sa Ang Pahayagan ni Mitch Santos)


Leave a comment