Ang Pahayagan

52 PAMILYA SA LANDSLIDE-PRONE AREA, INILIKAS

ZAMBALES– Inilikas ang 52 pamilya na binubuo ng 143 indibidwal na naninirahan sa mga landslide-prone areas gabi ng Sabado, Hulyo 19, sa Barangay Wawandue at Barangay Cawag, bayan ng Subic.

Ayon sa ulat ni Juan Deveraturda Public Information Officer ng Subic, ang naturang paglikas ay isinagawa bilang “pre-emptive evacuation”, base na din sa ka-utosan ni Mayor Jon Khonghun.

Dinala ang mga evacuees sa campus ng Kolehiyo ng Subic kung saan agad silang binisita at binigyan ng food packs ni Chief-of-Staff Janjo Khonghun.

Ayon kay Danilo Macamay, head ng MDRRMO, maaring manatili ang mga evacuees sa evacuation area ng dalawa o tatlong araw. Ayon naman kay Roxanne Alcayaga, acting head ng MSWD, maaring madagdagan pa ang bilang ng evacuees kung magpapatuloy ang sama ng panahon.

Ginawa ang evacuation sa pagtutulungan ng mga opisyales at kawani ng MDRRMO, PNP Subic, BFP, Subic Rescue team ng SPOSO, MSWD, at mga barangay officials, sa pangunguna ni Barangay Captain Francis Cejares ng Wawandue.

Nakatakdang magsagawa ng medical checkup ang mga kawani ng Regional Health Unit para ng mga evacuees.

📸 Juan Deveraturda at MDRRMO

Leave a comment