Ang Pahayagan

Paglalayag ng mga sasakyang pandagat pansamantalang pinahinto ng PCG dahil sa bagyong Crising

ZAMBALES—Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglalakbay sa karagatan ng Zambales dahilan sa panganib na dala ng Tropical Storm Crising at ng pinalakas na habagat.

Ito ay inihayag ni Capt. Euphraim Jayson Diciano, Station Commander ng Coast Guard – Zambales, sa Sea Travel Advisory 07-03 na inilabas nitong Biyernes, Hulyo 18.

Nakasaad rito ang pagbabawal sa lahat ng sasakyang pandagat at bangkang de-motor na maglayag, maliban na lamang kung naghahanap ng ligtas na daraungan.

Pinayuhan rin sa advisory ang publiko sa mga coastal communities at mga mangingisda na iwasan ang aktibidad sa karagatan upang maiwasan ang aksidente.

Sa kabilang banda nilinaw ni Diciano na agad naman na ibabalik sa normal ang lahat kapag bumuti na ng panahon.

📸 Ang Pahayagan file photo

Leave a comment