Ang Pahayagan

160 4Ps beneficiaries’ ng e-Panalo ang Kinabukasan program

ZAMBALES– 160 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na sumailalim sa orientation ng digital financial literacy ang nakatanggap ng mobile phones mula sa Globe Telecom, GCash operator, at G-Xchange, Inc. GXI sa Botolan People’s Plaza nitong Huwebes, Hulyo 17, 2025,

Bahagi ito sa financial digital initiative na “e-Panalo ang Kinabukasan” na naglalayong magbigay-kaalaman, humikayat at sanayin ang mga benepisyaryo na gumamit ng digital applications para sa pamamahala ng kanilang mga salapi lalo na ang mga benepisyaryong nakatira sa malalayong lugar.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Undersecretary Vilma Cabrera at Assistant Secretary Marites M. Maristela ng DSWD Conditional Cash Transfer and Beneficiary Targeting Group (CCTBTG), Assistant Secretary Atty. Ellaine Fallarcuna ng Support to Operations and New Initiatives under CCTG, at DSWD Field Office 3 – Central Luzon Regional Director Venus F. Rebuldela.

Sa nasabing okasyon ay kinilala din ang 160 4Ps exiting households mula sa bayan ng Botolan sa pamamagitan ng Pugay Tagumpay kung saan opisyal nang inendorso ng Municipal Action Team Botolan ang mga case folders ng mga exiting families sa lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Congresswoman Doris “Nanay Bing” Maniquiz at Mayor Jun Omar Ebdane.

Pinagtibay din sa aktibidad ang panata ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng aftercare services upang masiguro ang mas sustenableng pamumuhay matapos ng kanilang pagtatapos sa programa tulad ng pangkabuhayan, trabaho, scholarships, social protective services, at iba pang serbisyong makakatulong sa kanilang patuloy na pag-unlad.

Nauna rito nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang Globe Telecom, GCash, BPI Foundation, Inc., at Ayala Foundation, Inc. ng orientation sa digital financial literacy sa mga bayan ng San Marcelino, Botolan, at Iba noong Hulyo 15 hanggang 16, 2025

Nagkaroon din ng Caravan of Services kasama ang Cebuana Lhuillier, Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS), Department of Trade Industry (DTI), Department of Education (DepEd), Public Employment Service Office (PESO), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Municipal Agriculture Office (MAO), at Rural Health Unit (RHU).

Leave a comment