Ang Pahayagan

ROCKET DEBRIS WARNING SA MGA COASTAL AREAS

ZAMBALES–Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang paglulunsad ng Long March 7 rocket mula sa People’s Republic of China kung saan ang inaasahang mga debris mula sa rocket ay inaasahang mahuhulog sa loob ng mga tinukoy na drop zone na humigit-kumulang 33 NM ang layo mula sa Bajo de Masinloc, 88 NM ang layo mula sa Cabra Island, Occidental Mindoro, 51 NM ang layo mula sa Recto Bank, at 118 NM ang layo mula sa Busuanga, Palawan.

Bunsod nito ay naglabas ng babala ang Provincial Risk Reduction and Management Ofice (PDRRMO)-Zambales upang bigyang babala ang mga residente lalo na sa mga mangingisda na iwasan ang paglalayag sa mga itinalagang drop zone mula Hulyo 15 hanggang 17, 2025.

Inabisuhan ang mag mamamayan na alamin mula sa kanilang mga lokal na awtoridad ang mga itinakdang restricted zone.

Hinikayat din ng PDRRMO-Zambales ang lahat na manatiling mapagbantay at maging aware sa paligid at kung sakaling makakita ng anumang hindi pangkaraniwang bagay na bumabagsak mula sa kalawakan ay huwag itong lalapitan at ireport agad sa mga awtoridad.

Inalerto din ang mga lokal na MDRRMO na magprepara ng kani-kanilang mga plano sa paghahanda sa sakuna at ipalaganap ang babalang ito kanilang mga mga nasasakupan.

Hinikayat din ang lahat na manatiling nakasubaybay sa mga opisyal na anunsyo para sa mga update sa paglulunsad at anumang potensyal na mga posibleng maapektuhan ng dropped debris.

Ang Long March 7 rocket ay inilunsad mula sa Wenchang Space Launch Site sa Wenchang, Hainan bandang 5:34 AM PhST noong 15 Hulyo 2025.

Leave a comment