ZAMBALES– Isang rough-toothed dolphin na natagpuan kamakailan sa dalampasigan malapit sa isang beach resort sa Iba, Zambales, ang muling naibalik sa dagat matapos i-rehabilitate ng mga kawani Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3 (BFAR 3).
Nabatid sa ulat ng Fisheries Law Enforcement team ng BFAR 3 na ang naturang dolphin ay nakitaan ng palatandaan ng panghihina bago nai-turn over sa marine mammal responders para sa isailalim sa mas masusing pangangalaga at obserbasyon.
Una itong nakuha sa dalampasigan ng mga miyembro ng Bantay Dagat ng Iba, Philippine National Police Maritime Group (PNP-MG), at Philippine Coast Guard (PCG).
Sa ilalim ng pangangasiwa ng BFAR 3 team, nabigyan ito ng atensyong medikal at pagpapakain hanggang sa muling lumakas at pakawalan kaninang umaga pabalik sa kanyang natural na tirahan.
📸 BFAR Gitnang Luzon


Leave a comment