Ang Pahayagan

Zambales kabilang sa tumanggap ng PTVs mula sa PCSO

Lubos ang pasasalamat ng mga lokal na opisyales ng Zambales nang kanilang tanggapin ang mga fully-equipped patient transport vehicles (PTVs) para sa iba’t ibang munisipalidad ng lalawigan nitong nakalipas na Miyerkules, Hulyo 9,2025

Kabilang ang Zambales sa tumanggap ng 12 PTV, na sinabing magpapalakas sa healthcare accessibility sa lalawigan. Kasama ang mga ito sa 99 na sasakyan na ibinigay sa mga LGU sa Central Luzon.

Ang mga sasakyang nabanggit ay nagmula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na may kabuuang 387 units na ipinakalat sa iba’t-ibang rehiyon kabilang na ang 72 units para sa Cagayan Valley, 64 para sa Bicol Region, 60 para sa Mimaropa, 30 para sa Ilocos Region at 27 para sa Calabarzon.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang turnover ng mga PTV sa iba’t ibang local government units (LGUs) sa pamamagitan ng isang seremonya na ginanap sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ang pamamahagi ng mga PTV ay bahagi ng Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng PCSO na naglalayong magbigay sa mga LGU at ospital, partikular sa mga nasa vulnerable at disadvantaged na komunidad, ng mga kinakailangang medical transport vehicles.

Kumpleto ang mga PTVs ng mahahalagang kagamitang medikal, kabilang ang stretcher, tangke ng oxygen, monitor ng presyon ng dugo at iba pang mga supply upang matiyak ang ligtas at napapanahong transportasyon ng mga pasyente.

📸  PCO

Leave a comment